Ipinahinto na ng Italy ang lahat ng mga biyahe mula at patungong China.
Iniutos ito ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte, matapos makumpirma ang dalawang kaso ng novel coronavirus.
Ang dalawang pasyente ay pawang Chinese na galing sa China.
Dahil sa novel coronavirus scare aabot sa 6,000 mga pasahero ang nanatili ng 12 oras sa loob ng isang barko na Costa Smeralda.
Ito ay dahil mayroong dalawang Chinese nationals na pasahero ng barko ang kinailangan pang suriin dahil sa sintomas ng flu.
Nang mag-negatibo sa novel coronavirus ay saka lamang pinayagang makababa ang mga pasahero sa pantalan sa Italya.
MOST READ
LATEST STORIES