Ayon sa Pagasa Synoptic Division sa Baguio, 11.2 degrees Celsius ang naitala alas 6:00 ng umaga.
Dahil sa malamig na temperatura ay patuloy ang paalala ng Office of the Civil Defense – Cordillera sa mga residente at turista na magsuot ng makakapal na damit.
Pinapayuhan din ang publiko na gumamit ng bonnet, scarf at iba pa na makatutulong panangga sa malamig na panahon.
Una nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng malamig na temperatura ngayong araw ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa Amihan.
MOST READ
LATEST STORIES