Northeast Monsoon, umiiral pa rin sa Luzon – PAGASA

Patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.

Batay sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Meno Mendoza na makararanas pa rin ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Ilocos region, Aurora, Quezon province at Bicol region bunsod nito.

Magiging maaliwalas naman aniya ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Wala ring inaasahang mabubuo o papasok na sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...