Sunog sumiklab sa residential area sa Maynila

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sta. Cruz, Maynila Huwebes ng hapon.

Batay sa datos ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nangyari ang sunog sa bahagi ng Aurora Boulevard.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma.

Tuluyan namang naapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog bandang 5:41 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung ano ang sanhi at kung magkano ang halaga ng pinsala sa insidente.

 

Read more...