Eroplano ng South Korea na lulan ang kanilang mga mamamayan nakaalis na ng Wuhan City

Nakaalis na ng Wuhan City ang unang evacuation plane ng South Korea lulan ang kanilang mga mmamamayan.

Tinatayang aabot sa 360 na South Korean citizens ang lulan nito na pawang naipit sa Wuhan City kasunod ng ipinatupad na lockdown dahil sa novel coronavirus.

Pagkatapos nito ay isa pang chartered flight ang aalis ng South Korea patungong Wuhan para ilikas ang iba pa.

Aabot sa 700 na South Koreans sa Wuhan City ang nagpalista para makauwi ng SoKor.

Unang inilikas ang mga walang sintomas ng sakit.

Pagdating sa SoKor ay isasailaim sila sa pagsusuri at mananatiling naka-quarantine sa loob ng 14 na araw.

Read more...