Lalaki patay sa pananambang sa Maynila

Nasawi ang isang lalaki makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sampaloc, Maynila, Huwebes (Jan 30) ng gabi.

Ayon kay Police Staff Sgt. John Paul Rojo ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), ang biktima ay nakilalang si Ireneo Ramos.

Si Ramos ay kasama sa barangay level drugs watchlist.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng Firmeza Street habang nagbibisikleta si Ramos.

Dumating ang walong suspek na pawang sakay ng apat na motorsiklo at saka siya pinagbabaril.

Kabilang sa tinitignang anggulo sa krimen ay ang ilegal na droga.

Read more...