Ayon sa WHO, mayroon nang global outbreak ng sakit dahil maliban sa paglaganap nito sa China ay apektado na rin nito ang iba pang panig ng mundo.
Sinabi ng director general ng WHO na labis nilang ipinag-aalala ang posibleng pagkalat ng virus sa mga bansa na may mahihinang health systems at hindi handa para dito.
Tiniyak din ng WHO na gagawin nito ang lahat para tulungan ang mga bansang apektado ng sakit at upang makontrol na ang paglaganap pa nito.
Hindi naman nagrekomenda ang WHO ng paglimita sa international travel.
Sa halip ay ipinaubaya nito sa mga bansang may kaso ang pagdedesisyon sa pagpapatupad ng travel restrictions.
Mamadaliin din ang paglikha ng bakuna sa sakit.
Pinasalamatan naman ng WHO ang mga health professionals na nagsisilbing frontliners sa mga bansang may kaso na ng nCoV.