Patuloy ang pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan sa bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.
Batay sa weather update, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na apektado pa rin nito ang Northern Luzon.
Asahan pa rin aniya ang maulap na papawirin na may kasamang mahihinang pag-ulan sa Ilocos region, Cordillera at Cagayan Valley, Aurora at Northern Quezon.
Samantala, magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Pilipinas.
Wala rin aniyang inaasahang mabubuo o papasok na anumang weather disturbance sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
MOST READ
LATEST STORIES