Mag-asawang drug suspect, timbog sa buy-bust operations sa Camarines Sur

Inquirer file photo

Arestado ang tatlong hinihinalang drug suspect sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Tinambac, Camarines Sur Huwebes ng umaga.

Ayon kay P/Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nakuhanan ng limang pakete ng hinihinalang shabu ang mga suspek na sina Rodolfo Dela Cruz, 41-anyos, at asawa nito na si Maria Grace, 40-anyos.

Ito ay matapos magpakita ng search warrant ang pulisya laban sa dalawa.

Nahuli ang dalawa sa kanilang bahay sa bahagi ng Barangay Sogod bandang 10:00 ng umaga.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...