Sinalakay ng FBI ang simbahan sa Los Angeles dahil sa kasong human trafficking kung saan naaresto ang tatlong lider ng simbahan.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kung mapatutunayang nagkasala ang tatlo, dapat lamang na sumunod ang mga ito sa batas.
Ayon kay Panelo, nirerespeto ng Pilipinas ang mga batas sa Amerika gaya ng ginagawa nilang pagrespeto sa mga batas sa bansa.
Hindi naman aniya maaring magreklamo ang Pilipinas lalo na kung lehitimo ang raid sa simbahan.
“If the raid is legitimate then we cannot complain on that,” ani Panelo.
Ang Kingdom of Jesus Christ ay pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy na kilalang matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Even then. You must remember that if a crime is committed in any country then the law of that country would have ti be followed. We have to respect them. The way we ask them to respect ours,” dagdag ni Panelo.
Matatandaang maging si Quibiloy ay naharang na rin sa Amerika noong February 2018 dahil sa kwestyunableng pagdadala ng malaking halaga ng pera at mga baril.
Naging kontrobersiyal din si Quiboloy matapos mag-viral sa social media nang kanyang pinahinto ang malakas na lindol na tumama sa Mindanao region kamakailan.