Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na nagtatakda sa kada ikatlong linggo ng Nobyembre kada taon bilang National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivors and Families.
Base sa Republic Act 11468 na inaprubahan ni Pangulong Duterte noong January 23, 2020, minamandato ang pagkakaroon ng mga aktibidad sa ikatlong linggo ng Nobyembre.
Halimbawa na ang pag-aalay ng bulaklak o wreath laying activities, special blood donations, recognition ceremonies, multi-sectoral synopsis public awareness campaign at iba pa.
Bubuo rin ng national working committee na siyang mangunguna sa mga aktibidad.
Nakasaad sa batas na tungkulin ng estado na pangalagaan ang taong bayan
Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos ang official publication.