Mga foundation ng mga Ayala, panakip butas at pang salonpas solution lang

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga itinayong foundation ng higanteng negosyante na pamilya Ayala.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa anibersaryo ng DSWD, sinabi nito na panakip butas at pakitang tao lamang ang mga foundation ng mga Ayala.

Katunayan, salonpas solution lamang ito dahil sinisilip ngayon ng pamahalaan ang pinasok na kontrata ng pamahalaan sa manila water na pag aari ng mga ayala pati na ang UP Technohub sa Quezon City.

Panakip butas lamang aniya ang mga foundation dahil ang totoo niloloko ng mga Ayala ang taong bayan.

Inihahalimbawa ng pangulo ang sinisingil ng Manila Water sa water bill sa customer na environment enhancement at water treatment facility gayung wala naman.

Read more...