3 Japanese mula Wuhan, China nagpositibo sa coronavirus

Nakontamina na rin ng coronavirus ang tatlong Japanese citizens na una nang inilikas sa Wuhan City sa China.

Pawang nadiagnosed ang tatlo na positibo sa coronavirus batay sa impormasyon mula sa Health Ministry ng Japan.

Isa lamang sa mga pasyente ang may lagnat, habang ang dalawang iba pa ay hindi nagpakita ng sintomas.

Dalawang flights ang nagsakay sa mahigit 400 Japanese citizens mula sa Wuhan araw ng miyerkules at umaga ng huwebes oras sa Japan.

Read more...