Sinabi ni Guevarra na ito ay dahil personal siyang dumalo sa nagdaang Senate hearing at narinig niya mismo ang testimonya ng mga testigo laban sa tatlo.
Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Guevarra ang lahat ng mga opisyal at empleyado ng BuCor na sana ay maging babala sa kanila ang desisyon ng Ombudsman at dapat ay pairalin at patibayin ang kanilang integridad.
Magugunitang sumalang sa senate hearing ang tatlong BuCor officials matapos silang nasangkot sa kontrobersya ng GCTA o good conduct time allowance law na iginagawad sa mga bilanggo partikular sa New Bilibid Prisons (NBP).
Nakasaad sa ombudsman decision na guilty sa grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service ang tatlong BuCor officials na sina Ramoncito Roque, Maria Belinda Bansil, at Veronica Buño.
Samantala bukod sa dismissal o pagsibak sa serbisyo ay sasampahan pa sila ng kaso sa korte, partikular ng mga kasong direct bribery at graft.
Kanselado na rin o hindi na sila makakatanggap ng mga benepisyo at hindi na rin sila maaaring magtrabaho sa anumang sangay ng gobyerno.