Bilang ng nasawi sa matinding pag-ulan sa Brazil umabot na sa 54, aabot naman sa 47,000 inilikas

Muling bumuhos ang matinding ulan sa bansang Brazil kung saan nasa 117 millimeters o limang pulgada ng tubig ang bumuhos sa loob lamang ng tatlong oras, simula noong Martes ng gabi.

Dahil sa matinding buhos ng ulan naparalisa ang lungsod na Belo Horizonte dahil sa mga abandonadong sirang sasakyan, bumagsak na mga bubong ng bahay at mga putik na nasa kalsada.

Umabot naman sa 54 ang bilang ng mga nasawi dulot ng matinding pag-ulan.

Ayon sa civil defense officials, umabot naman sa 47,000 na residente sa Minas Gerais sa southern state ng Brazil ang napilitang lumikas dahil din sa pag-ulan.

Ayon pa ng civil defense department, tinatayang ngayong buwan ng Enero ay aabot sa 930 millimeters na ulan ang bubuhos sa Belo Horizonte.

Ito na ang naitalang ‘wettest month’ sa lungsod ng Belo Horizonte simula pa noong 1910.

Makararanas pa rin ang lungsod ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa mga susunod na araw.

Read more...