Class suspension sa ilang Filipino-Chinese Schools sa Maynila pinalawig

Pinalawig ng ilang mga Filipino-Chinese schools sa lungsod ng Maynila ang kanilang ipatutupad na class suspension, bilang precautionary measure o pag-iingat pa rin laban sa 2019 Novel Coronavirus o n-CoV.

AS OF JAN. 30:

Ang mga Filipino-Chinese schools sa Maynila na #WalangPasok ay ang sumusunod:

– Uno High School sa Tondo (suspended indefinitely)

– Chiang Kai Shek College sa Tondo (suspendido hanggang Feb. 08, 2020). Nitong mga nakalipas na araw, nagkaroon ng general cleaning sa paaralan, dahil sinamantalang walang klase.

– Hope Christian High School sa Tondo (Magre-resume ang klase sa Feb. 03)

– St. Stephen’s High School sa Tondo (suspended indefinitely). Inaasahan na magbabalik sa normal ang mga klase at aktibidad sa Feb. 10, pero depende pa sa sitwasyon.

– Philippine Cultural College sa Tondo (Jan. 30)

– Tiong Se Academy sa Binondo (Jan. 30 hanggang 31). Kahapon, Jan. 29, ay may pasok ang mga mag-aaral na naging pagkakataon para sa school adminitrators at mga guro na ipaliwanag sa mga estudyante ang mahahalagang impormasyon ukol sa n-CoV. Maaaring magresume ang klase sa Feb. 03, pero depende sa sitwasyon at sa assessment.

– St. Jude Catholic School sa San Miguel (suspendido hanggang Feb. 08)

Nililinaw naman ng mga naturang paaralan na walang kaso ng n-CoV sa kani-kanilang estudyante, faculty o mga staff.

Sakali namang may pasok na sa mga paaralan, pinapayuhan ang mga estudyante, faculty at school personnel na magsuot ng face mask at magdala ng alcohol o sanitizer.

Kailangan din na maging alerto ang lahat, at sumunod sa health advisories.

Read more...