Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 37 kilometers Southwest ng bayan ng Sabtang, alas-6:31 ng umaga ng Huwebes (January 30).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...