Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling bumaba ang antas ng tubig ng Angat dam at ilan pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydrometrology Division, nasa 202.89 meters ang water level ng Angat dam alas-6 ng umaga ng

Huwebes (January 30) mas mababa sa 203.05 meters na antas nito kahapon.

Bahagyang nabawasan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.81 meters ngayong umaga mas mababa sa 77.82 meters na antas nito kahapon.

Nabawasan din ang water level ng Ipo, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Samantala, nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao at Binga dams.

Excerp

Read more...