Northeast Monsoon patuloy na umiiral sa Luzon – PAGASA

Patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o hanging Amihan sa bahagi ng Northern Luzon.

Sa 5AM weather update, ayon kay PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin makararanas ng makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan ang bahagi ng Northern Luzon, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Aurora at Quezon.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng fair weather condition at posibleng mga mahihina at pulo-pulong mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms .

Ang Palawan at Visayas region naman ay makararanas ng magandang panahon na may bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at mga panandaliang mga pag-ulan.

Magandang panahon na may bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at mga pulo-pulong mga pag-ulan din ang mararanasan sa bahagi ng Mindanao.

Dahil pa rin sa pag-iral ng Amihan magandang panahon ang mararanasan, malamig na temperatura sa umaga at sa hapon naman ay mainit na temperatura ang mararanasan sa Metro Manila.

Sa susunod na dalawa hanggang limang araw ay wala namang nakikitang sama ng panahon napapasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at wala ring nakikitang LPA sa labas ng bansa.

Ipinagbabawal naman ang pag-laot ng mga mangingisda o may maliliit na sasakyan sa mga baybayin dahil sa malakas hanggang sa napakalakas na pag-alon ang mararanasan.

Nakataas ang gale warning sa sumusunod na lugar :

Batanes
Cagayan
Babuyan Islands
Isabela
ilocos Norte
Ilocos Sur

 

Read more...