Sa kaniyang interpelletion sa Question Hour ng Mababang Kapulungan kay Health Secretary Francisco Duque III, sinabi ni Legarda na ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na novel coronavirus o nCoV.
Kailangan, ayon kay Legarda, na maging proactive ang pamahalaan dahil kumalat na ang sakit sa iba pang bahagi ng China.
Sinabi naman ni Duque na posibleng opsyon ang mungkahi ni Legarda pero hindi pa nila ito iniisip sa ngayon.
Paliwanag nito, mayroong mga negatibong epekto ang sushestyon ng lady solon.
Hindi aniya sa China lamang mayroong kumpirmadong sakit ng nCoV kaya maari itong kwestyunin ng pamahalaan ng nasabing bansa.
Ibinida naman ni Duque na dumating na ang mga Japannese contigent na may dalang gamit para sa pagsusuri ng nCoV.
Sa pagtatapos ng Question Hour, sinabihan ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Duque na kung may kailangang budget para masugpo o maiwasan ang katulad na sakit ang kailangan lamang gawin ay lumapit sa Kamara.