Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng patuloy na paglaganap ng novel coronavirus.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kapag kasi umuwi ng Pilipinas ang mga Filipino mula sa Hubei, maari lamang ma-expose ang bansa sa contamination.
Paliwanag pa ni Panelo, posible kasing maging carrier pa ng virus ang mga Filipino sa Hubei kung uuwi ng bansa.
Payo ni Panelo, ang pinakamabisang opsyon sa ngayon ay manatili na muna sa Hubei ang mga Filipino at sumunod na lamang sa mga protocols na ipinatutupad ng China.
“Now with respect to the travel restrictions and those who want to be repatriated here, we have already said that it might be difficult to repatriate them because we might even be risking them to contamination. So the best thing, I suppose, is to let them stay there and follow protocols in China, whatever protocols they have,” ani Panelo.
Nangangamba si Panelo na maaring lalong magkaproblema lamang ang Pilipinas kung pauuwiin ang mga Filipino sa Hubei dahil tiyak na sasakay sila ng eroplano at makakasalumuha ng maraming tao.
“Yes but the problem nga is we might be opening themselves to contamination because when they leave there they have to go to the airport, they have to ride in whatever. Pagdating dito ganoon din. Baka lalong magkaproblema tayo,” dagdag ni Panelo.
Tiniyak naman ni Panelo na handa ang Pilipinas na tugunan ang coronavirus.
Ito rin aniya ang dahilan kung kaya ipinadadala pa ng Pilipinas sa Melbourne, Australia ang mga test sample sa mga pasyenteng pinaghihinalaan tinamaan ng coronavrus para makasiguro.
Sa ngayon, aabot na sa mahigit 20 katao ang nasa Pilipinas na sinusuri ng DOH sa posibilidad na tinamaan ng coronavirus.