BOC, naka-heightened alert sa mga ukay-ukay mula China

Mahigpit na ang seguridad na ipinatutupad ng Bureau of Customs (BOC) sa mga ukay-ukay at iba pang produkto na nagmumula sa China.

Ito ay para masiguro na hindi makalulusot ang novel coronavirus.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Customs associate commissioner Vincent Philip Maronilla na high risk ang mga gamit na damit, animal product at iba pa.

Ayon kay Maronilla, bawal naman talaga ang ukay-ukay pero sadyang may nakalulusot pa.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang BOC sa Department of Health (DOH) para matukoy ang mga critical item na maaring makapitan ng coronavirus.

“We’re now looking at critical items na puwede mag-carry ng virus na ‘to. It doesn’t hurt that we be vigilant about them kasi illegal naman talaga ang pagpaparating ng ukay-ukay. Hinuhuli naman naming regularly yan pero ngayon on heightened alert kami,” ani Maronilla.

Read more...