Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Customs associate commissioner Vincent Philip Maronilla na ito ay dahil sa magiging fully implemented na taong 2020 ang fuel marking program o ito ang programa kontra sa smuggling sa mga produktong petrolyo.
Bukod dito, sinabi ni Maronilla na may mga reform agenda rin na ipinatupad si Customs commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Samantala, aminado naman si Maronilla na nabigo ang kanilang hanay na makamit ang target collection noong 2019 na P661 bilyon.
Ayon kay Maronilla, kapos ng 4.5 o P630 bilyon lamang ang kanilang nakolekta noong nakaraang taon.
Ayon kay Maronilla, isa sa mga dahilan ng pagkabigo ng BOC na makamit ang target collection ay dahil sa hindi agad naipatupad ang fuel marking program o anti-smuggling program laban sa produktong petrolyo, ang malakas na palitan ng piso kontra dolyar, macro economic assumptions at ang mababang importasyon ng iba’t ibang produkto.