Ilang kalsada sa Metro Manila, isasailalim sa road reblocking and repair mula Jan. 29 hanggang 31

Isasailalim ang limang kalsada sa Metro Manila sa road repari and reblocking simula sa Miyerkules (January 29) hanggang Biyernes (January 31).

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang pagsasaayos ng mga kalsada mula 11:00, Miyerkules ng gabi, hanggang January 31.

Ayon sa MMDA, apektado nito ang C5, Ortigas flyover kung saan isasagawa ang rehabilitasyon at major repair sa C5 Ortigas Flyover tuwing weekdays mula January 31 hanggang July 28, 2020 mula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Concrete pouring at pagpapadala naman ng mga materyales ang gagawin sa bahagi ng EDSA North Bound malapit sa Taft Avenue sa Pasay City mula January 29 hanggang February 4 bandang 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Samantala, aalisin naman ang steel safety canopy sa bahagi ng EDSA South Bound sa harap ng AMA Towers Residences Building sa Mandaluyong City mula January 29 hanggang February 4 bandang 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Maliban dito, aayusin din ang kahabaan ng Oroquieta Street sa Sta. Cruz hanggang Sampaloc, Manila kabilang ang drainage tuwing Biyernes mula January 31 hanggang October 26 dakong 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Bubuksan naman ito sa publiko tuwing Lunes bandang 5:00 ng madaling-araw.

Magkakaroon din ng road reblocking sa R. Magsaysay Boulevard at R. Magsaysay Service Road para sa rehabilitasyon kabilang ang drainage system tuwing Biyernes mula January 29 hanggang June 26 bandang 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Read more...