Mayor Belmonte, nais bigyang solusyon ang mga insidente ng suicide sa malls; City council, inatasang mag-imbestiga

Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang City Council na magsagawa ng inquiry in aid of legislation sa nangyayaring suicide incident sa mga mall at ang pinakahuli nitong Sabado, January 25.

Inatasan ni Belmonte sina Councilors Irene Belmonte, Lala Sotto at PM Vargas, mga chairperson ng Committee on Education, Science and Technology, Committee on Health and Committee on Infrastucture, na pangunahan ang imbestigasyon.

Naalarma ang alkalde matapos makapagtala ng dalawang insidente ng suicide sa mall sa lungsod noong October 5 at nitong January 25.

Ang nais ni Belmonte, mag-focus ang imbestigasyon sa mental health issue sa mga kabataan at kung paano ito masosolusyunan.

Nais din ng alkalde na bumuo ng crisis intervention units on-site na mag-assist sa mga establishment kung paano humawak ng ganitong mga insidente.

Ipinasisilip din nito ang setup ng mga mall at building at kung paano magpapatupad ng mahigpit na seguridad upang hindi na maulit pa ang ganitong insidente.

Umapela naman si Belmonte sa publiko na huwag nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ng pamilya ng biktima. Sa halip, tumulong na mapigil ang pagkalat ng video sa social media sa pamamagitan ng pagre-report sa mga site na nagpapalabas nito.

Read more...