Mga Pinoy na pauuwiin ng gobyerno mula Wuhan at Hubei, China dadaan sa Immigration procedures

Dadaan pa rin sa regular immigraion procedures sa mga paliparaan ang mga Filipino na pauuwiin ng gobyerno mula Wuhan City sa China pabalik ng Pilipinas.

Ayon kay DOJ spokesman Undersecretary Markk Perete, magkakaroon ng special team ng mga Immigration officer na itatalaga sa airport para humarap sa mga pauwing Pinoy na galing Wuhan at Hubei.

Sumailalim na aniya ang mga ito sa briefing ng Bureau of Quarantine (BOQ) at bibigyan din sila ng akmang protective gears para sa kanilang proteksyon.

Paliwanag ni Usec. Perete, kailangan pa ring dumaan ng mga ito sa Immigration procedures para na rin masiguro ang identity ng mga pauwing Pinoy bago payagang makapasok sa bansa.

Bukod sa pag-update ng kanilang mga travel record, mahalaga aniya ang Immigration formalities para sa seguridad ng bansa.

Nais aniya nilang matiyak na hindi naman makokompromiso ang seguridad ng bansa ng mga nagnanais bumalik sa bansa sa gitna ng isyu ng nCoV.

Read more...