DOH naglunsad ng official webpage na nakasentro sa nCoV

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang isang official webpage kung saan mababasa ang mga update o balita hinggil sa 2019 novel coronavirus o nCoV.

Ang webpage ng a hensya ay ang https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV.

Ayon sa DOH, layon ng webpage na malabanan ang “fake news” sa kasagsagan ng isyu sa nCoV.

Sinabi pa ng Health Department na ang mga balita at up-to-date na mga impormasyon sa naturang webpage ang pwedeng i-share ng publiko.

Mas mainam ito kaysa sa kung anu-anong balita o posts sa social media na hindi kumpirmado o mga haka-haka at tsismis lamang na nagdudulot ng takot sa publiko.

Nauna nang umapela si Health Sec. Francisco Duque III sa publiko na huwag magpakalat ng mga “infodemic” o fake news ukol sa nCoV.

Read more...