Naniniwala si Senator Pia Cayetano na dapat magkaroon ng komprehensibong istratehiya para matigil na sa bisyo sa alak at sigarilyo ang mga Filipino.
Aniya hindi dapat matapos sa pagpasa ng panibagong Sin Tax Law ang pagbibigay proteksyon sa kalusugan ng ating mga kababayan.
Diin ni Cayetano hindi pa tapos ang kampanya dahil aniya ang pagiging epektibo ng batas ay nakasalalay sa pagpapatupad nito.
Dapat aniya suriin ang lahat ng mga programa sa bansa para mas magkaroon na mas epektibong kampaniya at matigil na ang ilang Filipino sa labis na pag-inom ng mga nakakalasing na inumin at sigarilyo.
Dagdag pa nito, makikipag ugnayan siya sa mga miyembro ng Kamara para palakasin pa ang mga regulasyon at maprotektahan ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo.
Nanawagan din siya sa mga kagawaran ng Edukasyon at Kalusugan na bantayan ang mga kabataan laban sa e-cigarettes na aniya ay bagong bisyo lang at hindi paraan para sa mga nais tumigil sa paninigarilyo.