Moratorium sa pagkuha ng bagong empleyado ng POGO hiniling ni Rep. Go Yap

Dapat magpatupad ng moratorium sa pagkuha ng mga bagong empleyado ang Philippine Offshore Gaming Operations o (POGO).

Ito ayon kay ACT CIS Rep. Eric Go Yap ay kasunod ng pinangangambahang novel corona virus o 2019-nCoV.

Ayon kay Go Yap, dapat atasan ng PAGGOR ang POGO na magpatupad ng moratorium dahil mas kailangang iprayoridad ngayon ng pamahalaan ang kaligtasan ng sariling mamamayan.

Kasama sa moratorium ang ang mga returning employees nito na umalis ng Pilipinas at nagbalik para ituloy ang trabaho.

Katwiran ni Yap, aanhin pa ang kikitain ng bansa mula sa POGO kung ang kapalit naman nito ay outbreak ng corona virus.

Paliwanag ng mambabatas, iniiwasan lamang sa pagpapatigil ng hiring sa POGO workers ang posibilidad na makapasok sa bansa ang virus.

Read more...