Binigyang diin ng kongresista na buhay at kalusugan ng mga tao ang nakasalalay dito.
Sabi ni Fortun, hindi na lang dapat Wuhan City ang tinitingnan ng mga otoridad dahil mismong ang Chinese government ay naghigpit na ng biyahe maging sa ibang lungsod at lalawigan.
Kung kakailanganin, hindi na anya dapat maghintay pa ng anunsyo ng panibagong lockdown bago ikonsidera ang pagbabawal sa mga flight mula sa ibang lugar.
Ipinaalala rin ng mambabatas na mas maraming bisita ngayon ang Pilipinas mula sa China dahil na rin sa mga nagtatrabaho sa POGO.
Hindi anya dapat magbakasakali ang Civil Aviation Authority of the Philippines, at ang DOH para hindi na muling mapalusutan gaya ng nangyari sa African swine flu na nakapasok sa bansa dahil sa infected na mga karneng baboy.