Sinabi ni Sen. Christopher Go dapat ay sumunod ang mga uuwing Filipino sa 14-day quarantine period na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Una nang inanunsiyo ni Go na may comprehensive transportation and quarantine assistance na ibibigay ang gobyerno sa mga uuwi natin mga kababayan.
Aniya itong suhestiyon niyang ito ay inilapit na niya at bukas naman dito ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Ngunit pagdidiin ng senador kailangan din pangalagaan ang kalusugan ng mga nakakarami kaya’t aniya dapat sundin ang quarantine protocol para hindi kumalat ang novel corona virus na nagmula sa Wuhan.
Binanggit din ni Go na sa susunod na linggo magkakaroon ng pagdinig ang pinamumunuan niyang Committee on Health para mapag-usapan ang mga hakbangin upang walang magpasok ng naturang virus sa Pilipinas.