Malakanyang umalma sa artikulo sa Forbes na bumabatikos kay Pangulong Duterte

Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa artikulo na lumabas sa Forbes na nagsasabing mas naging talamak ang korapsyon at naibsan ang demokraysa sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations secretary Martin Andanar, malisyoso, poorly research at baluktot na komentaryo ang ginawa ni ginoong Panos Mourdoukouta ng Forbes.

Ayon kay Andanar, paninira at pagmamaliit lamang ang ginawa ng Forbes para pahinain ang kampanya ni Pangulong Duterte kontra korapsyon at pagtataguyod sa demokrasya sa Pilipinas.

Hindi maikakaila ayon kay Andanar na mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte, puspusan ang naging kampanya nito sa mga sakit sa lipunan gaya ng ilegal na droga, kriminalidad, at korapsyon.

Hindi aniya nagpatumpik-tumpik ang pangulo sa pagpapakita ng political will para mapaganda ang Pilipinas.

May mga inilatag aniya na mekanismo si Pangulong Duterte para masolusyunan ang korapsyon gaya halimbawa ng pagtatatag ng Freedom of Information Office, Anti-Red Tape Authority, Presidential Anti-Corruption Commission at iba pa.

Ayon kay Andanar, nagawa ng pangulo na mapaganda ang kalagayan ng Pilipinas sa World Bank 2020 Ease of Doing Business matapos na masungkit ang 95th place; pumangatlo sa CEO World 2019 Countries Best to Invest and Do Business; pagbaba sa 4.5% unemployment rate noong December 2019, pinakamababa simula noong 2005; at ang pag-ahon sa kahirapan ng nasa 5.9 million Filipinos mula sa kahirapan na maituturing na 14-year low record.

Read more...