Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi lang ang mga Pinoy sa Wuhan City ang maaring i-repatriate kundi maging ang mga Pinoy na nasa iba pang bahagi ng Hubei Province.
Inaasikaso na ngayon ng DFA ang special flights para masundo ang mga Pinoy.
Sa mga Pinoy na gusting umuwi ng Pilipinas pinapayuhan silang tumawag sa Philippine Consulate General sa Shanghai sa sumusunod na numero:
Tel. No.: (+86-21) 6281-8020
Fax No.: (+86-21) 6281-8023
Hotline No.: (+86) 1391 747-7112
Maari ding mag-email sa shanghai.pcg@dfa.gov.ph / shanghaipcg@hotmail.com.
Sasailalim sa Disease Containment rules ng China ang mga Pinoy na magnanais umuwi.
Pagdating dito sa Pilipinas ay isasailalim sila sa 14 na araw na mandatory quarantine ayon sa Department of Health (DOH).
Sa mga Pinoy naman na mas gugustuhing manatili sa Wuhan City at iba pang bahagi ng Hubei Province inabushan silang sumunod sa abiso ng mga otoridad doon.