Public consultation para sa Malasakit Center Act isasagawa ng DOH

Magdaraos na ng public consultation ang Department of Health (DOH) para sa ginagawang pag-draft sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng RA 11463 o Malasakit Center Act.

Ang public consultation ay gagawin sa January 30, 2020 sa Ramada Manila Central Hotel mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Para sa mga interesadong dumalo, kailangan ng pre-registration.

Bisitahin lamang ang link na https://bit.ly/MalasakitIRRPubCon para makapagpa-register.

Pagdating bukas sa venue, kailangang magdala ng valid ID.

Maari namang i-access ang draft ng IRR sa link na ito https://bit.ly/MalasakitIRRDraft0v0124

Ayon sa DOH isang kinatawan lamang bawat ahensya o opisina ang ia-accommodate.

Read more...