Sakay ng mobile patrol si Gen. Joselito Salido, deputy chief of the Directorate for Integrated Police Operation sa Eastern Mindanao at patungo sana sa Barangay Tikalan sa Talakag, Bukidnon.
Kasama ni Salido ang iba pang mga pulis.
Pinaulanan ng bala ang convoy ng mga pulis habang nasa daan sa Talakag.
Isa ang nasawi habang tatlo ang sugatan na pawang miyembro ng first police mobile force.
Hindi naman nasaktan si Salido.
Naglagay na ng checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng Bukidnon para mahuli ang mga nasa likod ng pananambang.
MOST READ
LATEST STORIES