Mga paliparan sa Cagayan nakaalerto na rin kontra novel coronavirus

Iniutos ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang mahigpit na pagbabantay sa mga paliparan sa lalawigan para matiyak ang kahandaan laban sa 2019 Novel Coronavirus.

Inatasan ni Mamba si Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina na makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH), Municipal Health Offices, at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para masigurong nababantayan ng husto ang mga paliparan.

Partikular na pinababantayan ng gobernador ang paliparan sa Tuguegarao at sa bayan ng Lal-lo.

Maraming Chinese nationals na regular na bumibisita sa probinsya lalo na sa bayan ng Sta. Ana.

Kaugnay nito ay pinabulaanan ng DOH Region 2 ang kumakalat sa social media na may kaso na ng nCoV sa Sta. Ana, Cagayan.

Nakikiusap din ang DOH Region 2 sa publiko na maging mapanuri sa mga kumakalat na impormasyon sa social media.

Read more...