Eroplanong naglikas sa mga mamamayan ng Japan mula Wuhan City nasa Tokyo na

Dumating na sa Tokyo ang eroplano na naglikas sa mga Japanese nationals mula Wuhan City.

Alas 8:45 ng umaga nang dumating sa Haneda Airport ang eroplano sakay ang 206 na katao.

Pawang nakasuot ng face masks ang mga pasahero gayundin ang airport workers na umasiste sa kanila at sa mga bagahe.

Habang nasa biyahe ay mayroon nang apat na medical officers na sumusuri sa mga pasahero.

Magsasagawa ng screening process sa mga Japanese national pero sinabi na ng health ministry officials ng Japan na hindi sila isasailalim sa quarantine.

Pero bibigyan sila ng form kung saan kailangan nilang ideklara ang kanilang kondisyong pangkalusugan.

Kukuhanan din sila ng samples para maisailalim sa pagsusuri.

Pinapayuhan naman ang lahat ng galing Wuhan City na manatili sa kanilang mga bahay hangga’t hindi pa lumalabas ang resulta ng pagsusuri.

Read more...