Bangkay natagpuan sa loob ng kahon sa Paco, Maynila

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na nasa loob ng isang kahon sa gilid ng kalsada sa PAdre Faura Street sa Paco Park sa Maynila.

Pasado alas 6:30 ng umaga ng Miyerkules (Jan. 29) nang makita ng street sweeeper ang kahon at agad niya itong ipinagbigay-alam sa mga otoridad.

Hinihinalang biktima ng summary execution ang lalaki na ang edad ay nasa pagitan ng 40 hanggang 45.

Nangangamoy na ang bangkay nang buksan nang mga tauhan ng SOCO ang kahapon kaya maaring matagal nang patay ang biktima.

Read more...