Mga labi ni Kobe Bryant natukoy na ng mga otoridad

Nakilala na ng mga otoridad ang bangkay ni NBA Legend Kobe Bryant bilang isa sa mga nasawi sa pagbagsak ng helicopter sa Calabasas sa Los Angeles.

Sa isinagawang pagsusuri sa fingerprints natukoy ang bangkay ni Bryant.

Natukoy na rin ang pagkakakilanlan ng tatlo pang biktima na sina Ara Zobayan – ang piloto ng helicopter, baseball coach na si John Altobelli at si Sarah Chester.

Ayon sa Los Angeles County Sheriff Department patuloy pang kinikilala ang limang iba pa.

Una nang sinabi ng mga otoridad na na-recover na nila ang lahat ng labi ng siyam na nasawi sa chopper crash.

Read more...