Mas malalakas na pagbuga ng abo naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag

Tuloy ang mas malakas na pagbubuga ng usok ng Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, sa nakalipas ng 24 na oras ay nagbuga ng moderate hanggang voluminous na usok na kulay dirty white ang bulkan.

Ang sulfur dioxide na inilabas nito ay tinatayang aabot sa 64 tonnes per day ang dami.

Nakapagtala naman ng 123 na voclcanic earthquakes sa magdamag na pawang mahihina lamang.

Ayon sa Phivolcs ang patuloy na paggalaw ng lupa ay nangangahulugang tuloy pa din ang magmatic activity sa loob ng Taal.

Nananatiling nakataas ang alert level 3 sa Bulkang Taal at maari pa ring may mangyaring pagsabog, volcanic earthquakes, ashfall at lethal gas expulsions.

Read more...