Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., it ay kasunod ng banta ng novel coronavirus na kumakalat ngayon sa Wuhan City sa China.
Ang mga turista naman mula sa iba pang mga bansa ayon sa DOT ay tuloy ang pagdating sa Pilipinas.
Una rito sinabi ng DOT na base sa kanilang datos, umabot sa 1.4 million na Chinese ang bumisita sa Pilipinas sa unang 10 buwan ng 2019.
Kahapon ay inanunsyo na ng Bureau of Immigration na ihihinto na ang pag-iisyu ng visas upon arrival para sa mga Chinese nationals.
Patuloy naman ayon kay Bengzon ang gagawing pag-monitor ng DOT sa sitwasyon at patuloy silang makikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH).
MOST READ
LATEST STORIES