Nasawi sa novel coronavirus umakyat na sa 132

Umakyat na sa 132 ang bilang ng mga nasawi sa novel coronavirus.

Nakapagtala din ng mahigit 800 bagong kaso dahilan para umabot na sa 5,974 ang kabuuang bilang ng kaso ng nCoV.

Maliba sa China na mayroong pinakamaraming naitalang kaso, may mga kaso na rin sa Hong Kong, Macau, Taiwan, iba pang bahagi ng Asya, Europe, North America at Australia.

Sa Taiwan at France iniulat ang pagtaas pa ng kaso ng novel coronavirus.

Sa Taiwan ay umakyat na sa walo ang kaso habang apat naman sa France.

Read more...