Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ngayong umaga ng Miyerkules, Jan. 29 ay 203.05 meters ang water level ng Angat dam.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam na nasa 100.71 meters.

Habang nadagdagan ng bahagya ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 77.82 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao at Binga dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.

Read more...