Unang naaresto kagabi si alyas Jay at kaninang madaling araw naman naaresto ang tatlong iba pang drug supect.
Ayon kay Police Lt. Sandro Jay Tafalla ng Quezon City Police Station 8, nakuhanan ng 2 gramo ng hinihinalang shabu si alyas Jay sa Barangay Tagumpay sa Project 4 sa Quezon City na dahilan para siya ay arestuhin ng mga otoridad. Itinuro naman ng suspek ang kanyang umano’y source mula sa Pasig.
Ayon pa kay Tafalla, modus operandi umano ng suspek ang magbenta ng ilegal na droga gamit ang gay dating app.
Nagkasa naman ng follow-up operation ang mga otoridad sa Pasig kung saan natimbog ang tatlo pang lalaki na nakuhanan ng walong sachet ng hinihinalang shabu.
Itinanggi ng tatlong naaresto na sila ay sangkot sa droga at posible umanong napagkamalan lamang sila dahil wala umano silang account sa gay dating app.
May kabuuang P68,000 pesos ang nakumpiskang droga.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.