Dalawa arestado sa buy-bust sa Pasay City

Arestado ang isang lalaki at isang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City.

Ikinasa ang operasyon Miyerkules (Jan. 29) ng madaling araw ng mga tauhan ng Station Drugs Enforcement Unit ng Pasay City Police Station sa Brgy. 201, Zone 20.

Nadakip sa naturang operasyon ang suspek na si Hana Danica Abalos alyas Nica at si Mark Christian Biligan alyas Macmac.

Kapwa nasa station level watchlist ang dalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang P23,800 na halaga ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...