Taxi driver patay matapos mangholdap ng pasahero na isa palang pulis

Patay ang isang taxi driver nang magdeklara ito ng holdap sa kaniyang pasahero na isa palang pulis.

Kinilala ang driver na si Elmer Tubil na pinara ni Staff Sgt. Ronald Carpio sa isang gasolinahan sa Macapagal Road para magpahatid sa condominium sa Dr. A. Santos Avenue sa Parañaque.

Ayon kay Carpio, nagtataka siya nang mag-u turn ang taxi at nagtungo sa madalim na bahagi sa C5 extension.

Tumabi ang taxi at saka nagdeklara ng holdap si Tubil at tinutukan ng baril ang pulis na pasahero.

Doon na pinaputukan ng suspek ang taxi driver gamit ang service firearm niya na 9mm pistol.

Ayon sa Parañaque City police, mayroong rekord sa kanilang istasyon si Tubil na dati nang inireklamo ng panghoholdap ng kaniyang pasahero.

Read more...