Motorcycle rider patay sa aksidente sa QC

Nasawi ang isang motorcycle rider sa aksidente na naganap sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng Feria sa Westbound lane ng Commonwealth.

Ayon sa mga rumespondeng enforcers isang closed van ang nakabangga sa motorsiklo na sinasakyan ng biktima.

Pasado alas 4:00 pa ng madaling araw nangyari ang aksidente, pero bago mag alas 7:00 na ng umaga nang maialis sa lugar ang katawan ng rider.

Umabot sa Litex area ang tail end ng traffic.

Read more...