Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang hakbang ay upang mabawasan ang epekto ng rice tariffication law at magpalakas ng anti-insurgency campaign.
Ang P250 million pesos na pondo ay ilalaan para sa mga tree planting program para sa mga magsasaka at aquaculture para sa mga mangingisda ngayong taong 2020 na ikinagalak naman ng mga farmer at fisherfolk organization sa probinsya.
Ayon pa kay Dar, magkakaroon din ng P5 bilyon na pondo na gagamitin sa modernization at farm mechanization ng local rice farmers para mapalakas naman ang kanilang kakayahan sa pakikipagkumpitensya sa international market
Ayon kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, malaki ang maitutulong ng pondo upang mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda. Mapipigilan din anya ng hakbang ng gobyerno ang banta ng insurgency na matagal nang nakaka-apekto sa kalagayan sa kanilang lalawigan.
Samantala, umabot naman sa P65 milyon ang ibabahagi ng DA sa lalawigan ng Siquijor.