Mga labi nina Kobe Bryant, anak na si Gigi at 7 iba pa na-recover na mula sa crash site

Na-recover na ang mga labi ng lahat ng siyam na nasawi sa pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ni NBA legend Kobe Bryant.

Ayon sa pahayag ng Los Angeles County Sheriff Department, tatlo sa mga katawan ay natagpuan kasama ng mga kumalat na wreckage ng chopper.

Ang mga labi naman ng anim na iba pa ay natagpuan sa madamongbahagi ng pinagbagsakan ng chopper.

Dinala sa forensic science center ang mga labi para sa examination at para sa identification.

Buong linggo namang mananatili sa crash site ang mga imbestigador mula sa National Transportation Safety Board para mangalap pa ng ebidensya.

Read more...