Bahagi ng Taguig at Makati magdamag na mawawalan ng suplay ng tubig

Mayroong magdamagang water service interruption sa lang bahagi ng Taguig at Makati City.

Sa abiso ng Manila Water, sa Taguig City may isasagawa itong valve installation.

Dahil dito, mula alas 10:00 ng gabi mamaya (Jan. 29) hanggang alas 4:00 ng umaga bukas (Jan. 30) ay mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay South Signal.

Sa Makati City naman may pipe maintenance ang Manila Water.

Mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Carmona.

Pinayuhan ng Manila Water ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin sa oras ng interruption.

Read more...